Viral ang isang guro na namimigay ng laptop para sa kaniyang mga estudyante

 

Sumikat ngayon sa social media ang isang guro na may gintong puso na si  Melanie Reyes Figueroa sa edad na 53- years old at siya ay nakatira sa Iligan City, Lanao Del Norte,  Ito ay dahil para matulungan niya ang  kanyang mga estudyante upang magkaroon ang mga ito ng kani-kanilang sariling laptop na magagamit nila sa online class.


Importante  ngayon sa bawat mag aaaral na magkaroon ng sariling laptop upang may magamit para sa online class dahil wala pa ring face to face class dahil sa pandemya ngunit hindi lahat ay nabiyayaan ng magandang buhay para makabili ng laptop.


Si Teacher Melanie kasi may malaking puso para sa kanyang mga mag-aaral kaya naman maraming humanga sa kabutihan ng guro na ito dahil limang estudyante na ang kanyang nabigyan ng bagong laptop, sa tulong ng kanyang mga kaibigan at kakilala ay nakalikom si Teacher Melanie ng pera para makabili ng laptop para sa kanyang mga estudyante.



Siya ngayon ay nagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan sa Grade 10, sa Hinaplanon National High School,Nagkaroon ng sariling adbokasiya ang guro na tinawag niyang “laptop para sa pangarap.” Kung saan pumipili siya ng nga estudyante na deserving makatanggap ng laptop para may magamit sa kanilang pag-aaral.


Nag-viral ang post ng estudyanteng si Chrisken matapos siyang makatanggap laptop na mula sa kanyang Teacher Melanie, Pinuri naman ang guro dahil sa kabaitan dahil hindi niya pinapabayaan ang kanyang estudyante na walang gagamitin sa kanilang online class.


Post a Comment

0 Comments