NOT TRUE: P10,000 ayuda para sa mga magpaparehistro sa National ID?


Hindi totoo o fake news ang nagsabi ng makatatanggap ang mga PHILSYS registrants ng Philippine national ID ng Landbank ATM na may lamang P10,000 ayuda.

Hindi Department of Social Welfare and Development (DSWD) kundi ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang namamahala sa pagpaparehistro sa National ID, ayon sa Republic Act No. 11055 o ang PhilSys Act.

Maaari ngang magbukas ng account sa Landbank ang mga nagpaparehistro sa mga kiosk na nasa registration centers bilang bahagi ng kanilang partnership, ayon sa PSA.

Pero paglilinaw nila, walang laman ang mga prepaid cards na kanilang ipinamimigay.

Narito naman ang nakasaad sa Republic Act No. 11055:

 (b) The PhilSys Registry. - The PSA, as repository and custodian of all data shall create and maintain a PhilSys Registry that will contain the PSN, registered records, and information of all persons registered in the PhilSys.

Laging naglabas ng warning ang DSWD laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon at hindi makatotohanang representasyon sa registration ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (Pantawid Pamilya) o 4Ps. 


Post a Comment

0 Comments