Pagkabigong ibigay ang ayuda sa ilang beneficiaries, hindi dapat iugnay sa korapsyon: Panelo


Ang pagkabigong i-utilize ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) ang PHP780.71 million financial aid ay hindi dapat iugnay sa korapsyon, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Pinagtangol ni Panelo ang DSWD dahil ang budget na ito mula sa social amelioration program (SAP) ay hindi nagamit dahil sa incomplete list ng beneficiaries.

“Iyan pong DSWD, kung meron man diyang unliquidated, simply because ‘yun hong mga bibigyan eh wala doon sa listahan. Kumbaga kulang ang binigay sa kanilang listahan," ayon kay Panelo.

Ang mga budget na hindi nagamit ay ibinalik sa National Treasury at gumagawa ng paraan si DSWD Secretary Rolando Bautista para sa mga concern na ito.

“Talagang merong mga tao na hindi nakasama sa listahan sa anumang dahilan kaya merong perang naiiwan. Eh yun namang mga perang ‘yun, ibabalik naman sa Treasury ‘yun kaya walang problema yun," dagdag ni Panelo.

Kaya dapat daw na hindi iugnay ang DSWD sa korapsyon. Hindi rin daw ito pwedeng gawin ng DSWD dahil maaari silang habulin ng Commission on Audit (COA).


Post a Comment

2 Comments

  1. Dapat mapanagot yung mga taong naging dahilan kung bakit di nasama sa listahan ng dswd ang kanila mga sap form kahit mga qualified sila, bk yung iba mga brg pag di nila kaalyado ang nag fill up mg sap di na nila pinogorward yung form sa dswd. Or kung winala nilabyung mga form at di na nila i nasikaso mga nawala form. Dswd my mga copy po ng sap form yung mga tao fapat po nagbigay kayo ng kahit konting oras para i check yung copy ng form ng mga waitlisted o wala sa mga list nyo. Wala po silbi yung 2nd copy ng sap nyo kc di nyo naman chineck dun sa mga wala sa list nyo. Mr panelo mawalang galang na po ibinigay po ng pangulo yung mga pera para po matulungan lahat ng mga nangangailangan ngunit ang nag yari po e puro mga kakilala lang ng mga namahagi ang nakatangap. Opo wala kurapsyon naganap pero panglalamang at kapabayaan sa tungkulin na nagresulta sa pagka gutom ng iba sa panahon ng napandemya. Habang kumakain kayo ng masasarap ngayong lockdown nakakabili ng magustuhan nyo online sana maisip nyo mga nagbalewala sa mga waitlisted na sila asa bahay lang din wala natangap na tulong ng mahigit isa taon nagugutom di makabili ng pagkain makalabas at makapagtrabaho. Maswerte kayo kc my mga kaya kayo may kapangyarihan pero yung mga hikahos sa buhay na umasa bk namatay nalang ng kahihintay sa pangako nyo di naman pala ibibigay sa lahat ng mga nangailangan

    ReplyDelete
  2. Tama lng n hindi ibase sa nsa master list sa dswd ang pamimigay ng tulong financial dhil kawawa nman yung mga wla sa list besides lge dinadaan ng dswd sa barangay ang pamimigay sa nasasakupan nila pero ang iba pinipili lng ng mga empleyado ng barangay PALAKASAN pra sa kaalman ng iba toto po yan kse lehitimo kmi nkatirabdito s brg nmen sa pasig pero never kmi npasama sa pamimigay ng brg nmen buti pa katabe nmen dto malalaki at mapera nbibigyan nila porke hindi kmi masyado nkikipagugnayan skanila bale nlang kmi . Kung tlgang want mka tulong sa lhat house to house nlang lge pra hindi unfair sa iba pare preho lng ang diranas nteng lhat pero pili ang nbibigyan ng pantawid oh konting tulong galing sa gov . Unfair nman ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ˜ฉ๐Ÿ˜ฉ๐Ÿ˜ฉ

    ReplyDelete