Isang Babae na bumahing nang matindi biglang nabingi ang isang tainga

Ayon sa programang Pinoy MD ipinaliwanag ang kapahamakan sa pagbabahing ng malakas na pwedeng magdulot ng pagkabingi ng tainga. Kasama nito ang kahalagaan ang pagtutuli ay may halaga pag dating sa ating tainga.


Sinabi ng  26-anyos na si Melissa Pingkian na bata pa lamang siya ay may roon na siyang sinusitis kaya madalas ang pagsakit ng kaniyang ulo at hirap siya sa paghinga.


Nag pa x-ray si Melissa ng kaniyang utak dahil umabot na umano roon ang pagsisipon, at hirap din siya sa pagtulog dahil sa kaniyang sinusitis madalas din siyang suminga at bumahing.


Ayon sa otolaryngologist na si Dr. Jona Minette Ligon, tumataas ang pressure sa loob ng tainga kapag sumobra ang lakas ng pagsinga o labis ang pagpisil sa ilong habang bumabahing.


Magdudulot ito ng otitis media o impeksiyon sa gitnang bahagi ng tainga. "Ang ating ilong at tainga ay meron silang koneksiyon 'yung tinatawag na eustachian tube. Minsan kapag meron tayong sipon pwedeng mapunta sila sa middle ear natin. Kapag buo ang ating eardrum, maiipt lang siya roon usually o masisipsip ng katawan," sabi ni Dr. Ligon.


"Pero kapag naging malala 'yung naging infection ang nangyayari minsan puwedeng mabutas ang tainga," dagdag ni Dr. Ligon.


Kahit na ganon kang kaniyang sitwasyon tiniis ni Melissa ang kaniyang kondisyon at inabot pa ng tatlong taon bago siya nagpakonsulta sa doktor. Doon niya lang nalaman na meron na siyang perforated eardrum o nabutas o napunit ang kaniyang eardrum.


Maliban doon meron na siyang otomycosis o amag sa tainga,Sinasabing mas darami pa ang bacteria kapag nagkasugat ang tainga at naging mamasa-masa. Ayon kay Dr. Ligon, posibleng lumabas sa tainga ang sipon na galing sa ilong kapag nabutas ang tainga, na magiging luga o discharge. 

Post a Comment

0 Comments