DSWD, bukas at handa sa pagsisiyasat ukol sa payout ng SAP


Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay handa sa mga imbestigasyon tungkol sa mga reports ng financial service providers (FSPs) na ito ay nagsingil ng mga maanomalyang bayarin sa paglulunsad ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ito ay matapos tanungin ni House of Representatives Assistant Minority Leader and Gabriela Women's Party Rep. Arlene Brosas ang social services committee na tingnan ang payout transaction fees.

Handang ipresenta ng DSWD ang lahat ng dokumento para magkaroon ng clarification ang mga ito ayon kay DSWD spokeperson Irene Dumlao.

Nagdile si Brosas House Resolution 1943 kung saan nakalagay dito na hinayaan ng DSWD ang mga FSPs na magkaroon ng malaking kita mula sa cash assistance.

'As cases of anomalies and corruption on the distribution of SAP were brought to light, there is a need to track how many beneficiaries used the FSPs for the cash aid, how many of them were charged with the hefty service fees, and how much were the contract payments by the DSWD to the six FSPs,' ayon kay Brosas.

Sinabi ng DSWD na ang maximum fee para sa bawat cashout ay hindi hihigit sa P50, batay sa kasunduan nito sa FSPs.

Post a Comment

0 Comments