Sharon nakiusap sa Diyos, “Hindi ko na kaya, Tita Fanny is now on life support”

Ayon sa update ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa health condition ng kanyang kaibigan na si Fanny Serrano, ang bigat-bigat ngayon ng pakiramdam niya matapos malaman na naka-life support na ang veteran stylist at make-up artist sa isang ospital.

 

 

Nito lang nagdaang March 16 ay umiiyak na ibinalita ng singer-actress ang tungkol sa pinagdaanang “massive stroke” ni Fanny sa pamamagitan ng isang video clip na ipinost niya sa Instagram.


Ngayong araw nga, March 24, ay muli siyang nag-post sa IG na kritikal pa rin ang kundisyon ng kanyang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz.




Hindi ko na kaya. Tita Fanny is now on life support… meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own” sinabi sa instagram post ng megastar.

 


Aniya pa, Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal?




“Para na kitang Nanay… I love you so much…Bakit naman right after Rocky’s passing ikaw naman ang nasa peligro ngayon?” lahad pa ng aktres na ang tinutukoy na Rocky ay ang international designer na si Rocky Gathercole, na isa ring certified Sharonian.

Post a Comment

0 Comments