Gobyerno, magbibigay ng ayuda sa mga Temporarily Displaced Workers sa NCR Plus


Ang nasa Gobyerno ay handa silang magbigay ng financial assistance sa lahat ng mga displaced workers sa loob ng NCR Plus Bubble na isang linggong isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ay handa silang magbigay ng cash assistance lalo na sa mga nasa formal employment at Overseas Filipino Workers (OFW).


Maaari makatanggap ng one-time P5,000 cash aid ang mga formal workers na mawawalan ng trabaho habang ang mga OFW naman ay maaaring makatanggap ng P10,000. Ang mga informal workers naman ay mabibigyan ng pansamantalang trabaho sa loob ng sampong araw.


Para naman sa mga formal workers ay magbabase umano ang ahensya sa mga employers na magsumite ng mga pangalan ng kanilang mga manggagawa na anwalan o natigil sa trabaho.


Umaasa naman si DOLE Sec. Bello na hindi magresulta ng matinding unemployment ang ipapatupad na ECQ sa loob ng isang linggo.


Hinihikayat naman ng Employers Confedaration of the Philippines na pasanin muna ang sweldo ng kanilang mga no-work no-pay employee mula sa Lunes Marso 29 hanggang Miyerkules Marso 31.


Post a Comment

0 Comments