Malaking tiyan, lubos na delikado sa kalusugan


Ayon sa mga pag-aaral, ang visceral fat o taba sa tiyan ay gumagawa ng mga toxins o lason na nakakaapekto sa mga paraan ng paggana ng iyong katawan.

Kabilang sa mga ito ang kemikal na tinatawag na mga cytokine, na nagpapataas sa tyansyang magkaraoon ng sakit sa puso at diabetes. 

Lumalabas din sapag-aaral na sobrang taba sa tiyan ay isa sa nangungunang sanhi ng seryosong sakit tulad stroke, sakit sa puso, heart attacks, diabetes(type 2), colon cancer, high blood pressure at iba pa.

Sanhi ng paglaki ng tyan ay ang sobrang pagkain/ pag-inom ng mga matatamis, mamantika, taba mula sa karne, softdrinks, processed foods at juices.

Kasama din sa mga sanhi ay stress, genes, kulang sa exercise, kulang sa tulog, paninigarilyo, kulang sa good bacteria ang panunaw.

Upang maiwasan ang mga komplikasyon, maaring sumangguni sa spesyalista lalo na kung may iniinom na gamot, pag-aralan kung ano ang tamang diet na angkop sa kondisyon ng katawan.

Ugaliin ang pagkakaroon ng sapat na tubig araw-araw, sapat na oras ng tulog, mataas sa fiber na mga pagkain, mag-exercise 30min. hanggang isang oras at iwasan ang mga unhealthy foods tulad ng soda at junk foods.

Post a Comment

1 Comments

  1. The course of requires strict engineering prematurely of operations to make sure the material’s integrity through the process — particularly with highly complicated bends. Every material is different, and it is vital|and it is important|and it's important} to have a thorough understanding of the material’s properties and limitations earlier than making an attempt to bend it. Welding and steel fabrication are the processes Double Sided Tape used to form, cut, bend, and be a part of steel to make different merchandise. Various tools and different methods are used all through the process to achieve the desired end result. American Sheet Metal is a Diversified Metal Fabrication company based in 2001 and primarily based in Southern California.

    ReplyDelete