BongBong - Bong tandem: Baka puwede rin ayon kay Marcos


Hahabol sa pinaka mataas na pwesto si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at sinagot din niya ang posibilidad na maging running-mate dahil walang Bice President candidate ang kanyang partido.

"The original plan was for us to adopt PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) for our vice presidential candidate, pero sa mga nangyari noong nakaraang Sabado ay nagbago lahat ng plano," ayon sa dating senador na tumakbong bise presidente noong 2016 elections pero natalo kay Leni Robredo.

"Kaya't ngayon nagkokonsulta ang partido kung ano dapat gawin and what do we do now," dagdag niya.

Nang tanungin si Marcos kung kukunin niyang vice presidential candidate si PDP-Laban VP candidate Bong Go:

"Paano iyon, Bongbong-Bong? Bong to the third power? Baka puwede rin, we'll see," ani Marcos.

Handa naman daw makipagtrabaho kahit kanino man si Senator Bong Go.

“I can work with anyone ... Rerespetuhin ko kung sino ang ihahalal ng taumbayan sa pagka-pangulo,” ayon naman kay Go sa isang report.

Post a Comment

0 Comments