“ Dapat inaalagaan ka” yan ang salitang binitawan ni Kris Aquino kay Willie Revillame

Nagpakita ng malasakit si miss Kris Aquino kay TV host Mr. Willie Revillame nang mag sama sa isang TV special ng isang online shopping app na Shoppe na ipinalabas sa GMA 7.

 

Kasama si Kris sa co-host ni Willie sa 8.8 mega flash sale TV special ito ang ka una unahang pagkakataon na muling mag host si Kris sa telebisyon matapos ang limang taon.

 



Bago matapos ang tv special, napansin ni Kris na pinagpapawisan si Willie. "Teka nga bakit walang nag-aalaga sa'yo? Pahinging Kleenex nga. Nababaliw ako sa inyo. Pawis na pawis na si Wil," sabi ni Kris.

 

Noong kinuha na ni Kris ang tissue at pinunasan si Wil tila bang ito ay nahiya sa ginawang aksyon ni Kris ngunit nag pilit si Kris na siya ang mag pupunas sa pawis ni Wil.

 

"Dapat inaalagaan ka. Pinapabayaan ka," sabi ni Kris, "Bakit mo ko pinupunasan?," natatawang sabi ni Kuya Wil, Inaalagaan ka nga," tugon naman ni Kris.

 

Biro ni Kuya Wil, hindi sila sika na  love team na "AlDub" dahil matanda na sila. "Lolo na 'ko. Magiging lola ka na rin," sabi ni Kuya Wil kay Kris at sumagot muli na "Of course not. Matagal pa 'yon."

 

Ayon kay kuya Wil na hindi ito sanay na inaalagaan siya at siya mismo ang nag aalaga sa sarili niya.

 

At biglang sinabi ng pabiro ni Kris na "May girlfriend ka na or hinihintay mo ko?" Kuwento pa ni Kris, "Kanina may ni-reto siya sa kin eh, dapat daw si secretary...bakit mo ba ako nirereto? Alam naman nating lahat ikaw ang gusto ng anak ko."

 

Saad ni Kuya Wil na iyon ang huling pag-host niya sa TV special ng naturang online shopping app pero patuloy pa rin niyang makakasama ang Shopee sa "Wowowin-Tutok To Win."

Post a Comment

0 Comments