8 na sasakyan ang nagsalpukan matapos mawalan ng preno ang isang truck

 

Nagbanggan ang Walong sasakyan matapos mawalan ng preno ang isang truck sa Paso de Blas, Valenzuela. 


Nakita sa kuha ng CCTV na bumangga ang truck sa isang pulang SUV at dahil sa lakas ng impact nakaapekto ito sa iba pang mga sasakyan.


Nahuli sa CCTV na bumangga ang isang sasakyan sa poste, at nadamay ang 7 iba pang sasakyan. 




Nangyari ang salpukan ng nga kotse noong 11:24 ng umaga, Martes, sa may Malinta-Paso de Blas sa Valenzuela pababa ang kalsada kung saan nangyari ang aksidente.



Ayon sa isang biktima na si Evaland Carandang, nagmamaneho sana siya papunta sa vaccination site para magpabakuna nang maaksidente.


" 'Pag bangga sa'kin, tingnan ko pa lang sa rearview mirror, nagulat na lang ako. Umikot na pala sasakyan ko ng 45 degrees. Tapos biglang 'yung truck na 'yung babangga sakin," sabi ni Carandang.


Humarap naman ang kinatawan ng kumpanya ng truck at nagsabing sasagutin ang lahat ng gastusin sa pagpapagawa ng mga sasakyan at nagtamo ng minor injuries ang mga sakay ng mga sasakyan.


Post a Comment

0 Comments