13-anyos na dalagita nawala at ginahasa, bangkay na nang matagpuan ng pamilya

 

Malaking tulong para sakaniyang pamilya ang 13 taong gulang na si Althea Arcamo sa kabila ng murang edad siya na ang umaalalay sa mga kapatid nito.


Naglalako rin siya ng prutas kapag walang pasok sa online class at ang kanyang kinita, ibinibigay niya sa kanyang mabait na ina.


Mataas din ang pangarap ni Althea na gustong maging doktor balang araw ngunit ang ambisyong ito, natuldukan ng malagim na krimen.


Nito lang Hulyo, nawala at nagpaalam na si Althea, 13-anyos na magbebenta ng prutas para may kitain ngunit lumipas ang maghapon hindi na nakauwi ang dalagita. 


Makalipas ang tatlong araw, may nakakita sa kay Althea sa isang taniman ng pinya sa Barangay Cannery, Polomolok South Cotabato. 


Ang katawan ng biktima, unti-unti nang naaagnas siya ay nakahubad ang saplot pang ibaba ng dalagita. Sa medico legal report, kumpirmadong hinalay ang biktima.

Post a Comment

0 Comments