Ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa ating kapuwa ay laging magkasama at hindi maaaring paghiwalayin, "Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. Ang nagsasabing, iniibig ko ang Diyos subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling."
Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya
magawang ibigin, paano nga naman niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?
Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Hesus: Ang umiibig sa Diyos ay dapat din
umibig sa kaniyang kapatid".
Itinuturo sa atin ng Talatang ito na madaling sabihin na
mahal natin ang Panginoong Diyos subalit mahirap patunayan. Ang akala natin,
kapag tayo ay nagdadasal at nagsisimba, ang ibig sabihin na nito ay mahal na
natin ang Diyos kahit hindi tayo magmahal ng ating kapwa.
Subalit ang pag-ibig sa Panginoong Diyos ay laging
naka-kabit o naka-angkla sa pagmamahal natin sa ating kapuwa. Hindi natin
maaaring paghiwalayin ang dalawang ito. Kahit ipangalandakan pa natin sa buong
daigdig na tayo ay nagmamahal sa ating Panginoon, lilitaw na huwad na pag-ibig
ito kung hindi mo kayang mahalin ang iyong kapwa. Sapagkat ang pag-ibig
ng Diyos sa atin ay walang pinipili o itinatangi.
Maaaring kaya hindi magawang
mahalin ng isang tao ang kaniyang kapuwa na sanhi ng KUNG at DAHIL. Hindi niya
magawang magmahal ng kapuwa DAHIL sinaktan siya at KUNG nagpakita lang din ng
katumbas na pagmamahal sa kaniya ay doon lang siya magmamahal. Ngunit
ang pagmamahal sa atin ng Panginoon Diyos ay yung KAHIT NA at KAHIT PA. Mahal
tayo ng Diyos KAHIT NA paulit-ulit tayong nagkakasala, mahal tayo ng ating
Panginoon KAHIT PA tayo ay masama at makasalanan.
Kaya ba nating gayahin ang
pagmamahal ng Diyos? Kung talagang totoong tayong nagmamahal sa Diyos, dapat
ang magmahal tayo sa ating kapuwa ng KAHIT NA at KAHIT PA.
0 Comments